Artikulo sa Enewsletter Tungkol sa mga Updated na Bakuna sa COVID-19
This resource has been archived.
Important note: This content is no longer current and is archived here for reference only.
It should not be downloaded and shared.
Oras na upang kunin ang iyong updated na bakuna sa COVID
Bagama’t hindi pa nawawala ang COVID, ang ating komunidad ay nasa mas malakas na lugar ngayon dahil mayroon tayong mga instrumento para protektahan ang isa’t isa, lalo na sa pamamagitan ng mga ligtas at mabisang bakuna.
Ang mga bakuna sa COVID ay patuloy na gumagana nang napakahusay sa pagpigil sa malubhang karamdaman, pag-ospital, at kamatayan.
Available na ngayon ang mga updated na bakuna para sa COVID para sa lahat ng 5 taong gulang o mas matanda upang tumulong para sa proteksyon laban sa Omicron.
- Hindi mahalaga kung aling bakuna sa COVID ang nakuha mo (Pfizer-BioNTech, Moderna, Novavax, Janssen ng Johnson & Johnson) o kung gaano karaming mga booster ang nakuha mo na.
- Kunin ang iyong updated na bakuna 2 buwan pagkatapos ng iyong huling dosis.
- Kung nagkaroon ka kamakailan ng COVID, dapat kang maghintay ng 3 buwan mula nang magkasakit ka bago mo kunin ang iyong updated na bakuna.
Saan makakahanap ng mga bakuna sa COVID-19
Mayroon kang 3 paraan para makahanap ng libreng mga bakuna na malapit sa iyo:
- Pumunta sa vaccines.gov
- I-text ang iyong ZIP code sa 438829
- Tumawag sa 1-800-232-0233
Tandaang dalhin ang iyong CDC COVID-19 Vaccination Record card kapag pumunta ka para sa iyong updated na bakuna.
Para sa karagdagang impormasyon
Bumisita sa cdc.gov/coronavirus o makipag-usap sa isang health care provider.