Mga Madalas na Katanungan tungkol sa mga Updated na Bakuna sa COVID-19
This resource has been archived.
Important note: This content is no longer current and is archived here for reference only.
It should not be downloaded and shared.
Ano ang mga updated na bakuna?
Ang mga bakuna sa COVID-19 ay patuloy sa pagiging mabisa sa pagpigil sa malubhang sakit, pagka-ospital, at kamatayan.
Ang mga updated na bakuna na available na ngayon mula sa Pfizer-BioNTech at Moderna ay tina-target ang variant na Omicron, na nagiging sanhi ng pagkahawa ng COVID sa mga tao ngayon. Ang mga ito ay karagdagang dosis para sa mga taong nakakumpleto ng kanilang pangunahing serye ng pagbabakuna.
Ang Novavax ay nag-aalok ng dosis na booster na bakuna nito, ngunit hindi nito tina-target ang Omicron. Ang mga 18 taong gulang at mas matanda ay maaaring makakuha ng dagdag na dosis ng Novavax kung nakumpleto na nila ang kanilang pangunahing serye ng pagbabakuna.
Sino ang karapat-dapat na makakakuha ng mga updated na bakuna sa COVID-19?
Ang lahat ng 5 taong gulang at mas matanda ay dapat kumuha ng updated na bakuna.
Lalo ng mahalaga para sa mga sumusunod na makakuha ng updated na bakuna dahil nasa mataas na panganib sila sa malubhang sakit mula sa COVID-19:
- Mga taong 50 taong gulang at mas matanda
- Mga residente ng mga setting na pangmatagalang pangangalaga
- Mga tao na may pinagbabatayan na medikal na mga kondisyon
- Mga buntis at kamakailan lamang nabuntis
Kailan ko dapat kunin ang aking updated na bakuna sa COVID-19?
Anuman ang bakunang laban sa COVID ang nakuha mo (Pfizer-BioNTech, Moderna, Novavax, o Janssen ng Johnson & Johnson) para sa iyong pangunahing serye ng pagbabakuna o kung gaano karaming mga booster ang nakuha mo na, dapat mong makuha ang iyong updated na bakuna sa COVID 2 buwan pagkatapos ng iyong huling dosis.
Kung nagkaroon ka kamakailan ng COVID, dapat kang maghintay ng 3 buwan mula nang magkasakit ka bago mo kunin ang iyong updated na bakuna.
Ligtas ba ang mga updated na bakuna sa COVID-19?
Oo. Gaya ng ibang mga pagbabakuna, maaaring sumakit ang braso mo pagkatapos mong mabakunahan. Maaaring maranasan mo rin ang parang-trangkaso na mga sintomas, gaya ng lagnat, mga sakit ng ulo, sakit ng katawan, at pagkapagod.
Ang mga ito ay mga karaniwang palatandaan na nagreresponde sa bakuna ang iyong sistema ng imyuno. Kahit na maaaring hindi kanais-nais ang masasamang mga epektong ito, hindi ka totoong may sakit. At kadalasan, ang mga ito ay nagtatagal ng mga ilang araw lamang.
Ang mga malubhang masamang epekto mula sa anumang bakuna, kabilang ang mga bakuna sa COVID-19, ay napakadalang.
Saan ako makakakuha ng updated na bakuna sa COVID-19?
Ang mga bakuna ay available sa mga parmasya, tanggapan ng doktor, sentro ng kalusugan ng komunidad, at marami pang mga lokasyon. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa loob ng 5 milya mula sa isang lugar ng pagbabakuna.
Mayroon kang 3 paraan para makahanap ng libreng mga bakuna na malapit sa iyo:
- Pumunta sa vaccines.gov
- I-text ang iyong ZIP code sa 438829
- Tumawag sa 1-800-232-0233
Tandaang dalhin ang iyong CDC COVID-19 Vaccination Record card kapag pumunta ka para sa iyong updated na bakuna.
Kailan ako pinakaprotektado ng bakuna sa COVID?
Pinakamabisa ang iyong proteksyon kapag up to date ka sa iyong mga bakuna sa COVID. Ang ibig sabihin nito ay nakuha mo na ang lahat ng inirerekomendang dosis para sa mga taong kaedad mo.
Kailangan ko bang patuloy na magsuot ng maskara pagkatapos kong makuha ang aking updated na bakuna?
Para i-maximize ang proteksyon mula sa pinaka nakakahawang mga variant at iwasan ang posibleng pagkalat ng COVID sa iba, ang mga nabakunahan at hindi nabakunahan ay nangangailangang magsuot ng maskarang tinatakpan ng husto ang kanilang ilong at bibig sa loob ng mga pampublikong lugar kapag mataas ang panganib ng COVID sa komunidad.
Dapat din sundin ng mga nabakunahan at hindi nabakunahang tao ang mga batas, patakaran, at regulasyon ng pederal, estado, lokal, tribo, at teritoryo. Kasama diyan ang ligtas na pag-iingat para sa:
Pampublikong transportasyon
Mga paliparan at eruplano
Lokal na mga negosyo
Mga lugar ng trabaho
Saan ako makakahanap ng higit na impormasyon tungkol sa mga bakuna sa COVID-19?
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa COVID-19, kabilang ang kaligtasan at pagiging mabisa ng mga bakuna, tingnan ang aming Mga Katotohanan tungkol sa COVID-19 at mga Bakuna.
Huling sinuri ang nilalaman: Nobyembre 3, 2022