Pakikipag-ugnayan sa Pangkalahatang Madla
To print this document, use your internet browser’s print settings to set page margins and remove the header and footer. For the best printing experience, use the Google Chrome, Firefox, or Microsoft Edge browser.
Tonong mabisang gamitin sa pangkalahatang madla
- Gumamit ng impormasyon na mapagkakatiwalaan at batay sa agham.
- Ipaalala sa mga tao na maaaring magbago ang payo habang nagbabago ang COVID at habang natututo tayo ng higit pa tunkol dito.
- Tanggapin na normal na may mga tanong ang mga tao tungkol sa mga bakuna at na may kabuluhan ang mga tanong nila.
- Paalalahanan ang mga tao na ang bakuna ay isa pang mabisang paraan para protektahan ang kanilang sarili at mga minamahal sa buhay.
Mga mensaheng makabuluhan sa pangkalahatang madla
- Ang pagbabakuna at pagpapanatiling updated sa iyong bakuna sa COVID ay nangangahulugan na maaari kang gumugol ng mas maraming oras kasama ang iyong mga mahal sa buhay at sa iyong komunidad.
- Ligtas ang lahat ng bakuna sa COVID na available sa Estados Unidos. Milyun-milyong tao ang nakatanggap na ng bakuna sa COVID. Ang mga bakuna ay patuloy na sasailalim sa mahigpit na pagsubaybay sa kaligtasan. Inirerekomenda ng CDC na magpabakuna laban sa COVID ang lahat ng nasa edad na 6 na buwan o mas matanda.
- Mabisa ang lahat ng available na bakuna sa COVID sa pagpigil ng malubhang pagkakasakit, pagkaka-ospital, at pagkamatay dahil sa COVID.
- Ang lahat na nasa edad na 6 na buwan o mas matanda sa Estados Unidos ay dapat magpabakuna laban sa COVID at panatilihin itong updated.
- Panatilihing updated ang iyong bakuna sa COVID para makakuha ng pinakamahusay na proteksyon.
- Makipag-usap sa tagapagbigay ng iyong bakuna o health care provider tungkol sa kung kailan mo kailangang tumanggap ng dosis ng bakuna sa COVID.
- Lalo nang mahalaga para sa mga sumusunod ang magpa-booster dahil mas nanganganib silang magkaroon ng malubhang sakit mula sa COVID:
- Mga taong 50 taong gulang at mas matanda
- Mga taong nakatira sa mga pasilidad para sa pangmatagalang pag-aalaga
- Mga taong may mga partikular na medikal na kondisyon
- Mga buntis at nabuntis kamakailan
- Kung nagka-COVID ka kamakailan, maaari kang maghintay ng 3 buwan mula nang magkasakit ka para tumanggap ng dosis ng bakuna sa COVID na kailangan mo.
- Kadalasang kumakalat ang COVID sa pagitan ng mga taong nakikihalubilo nang malapit sa isa’t isa. Ang mga bakuna ay nag-aalok sa iyo ng pinakamahusay na proteksyon mula sa COVID.
- Maaring magdulot ng mga pangalawang epekto ang mga bakuna sa COVID sa ilang tao, pero napakadalang ang mga malulubhang pangalawang epekto. Kusang mawawala sa loob ng ilang araw ang karamihan nito. Ang pinakakaraniwang pangalawang epekto ay masakit na braso sa lugar ng iniksyon.
- Mabilis na nabuo ang ligtas na mga bakuna sa COVID sa pamamagitan ng paggamit ng isang siglong karanasan sa bakuna; teknolohiya na bago sa mga bakuna pero napag-aralan na sa loob ng dalawang dekada; isang prototype na bakuna sa coronavirus na ginagawa na sa National Institutes of Health; at sampu-sampung libong boluntaryo para sa mga klinikal na pagsubok na nagbigay-daan sa mabilis na pag-iipon ng data sa kaligtasan at pagiging mabisa. Nagpapahintulot din ang sabay-sabay na paggawa ng bakuna at pagsusuri ng data ng pagsubok sa mga bakuna para maipadala ang mga ito makalipas lang ang ilang araw mula ng magbigay ng awtorisasyon ang FDA.
- Maghanap ng mga bakunang malapit sa iyo sa vaccines.gov.