Ano ang Dapat Malaman ng Nabakunahang Mga Tao
This resource has been archived.
Important note: This content is no longer current and is archived here for reference only.
It should not be downloaded and shared.
Ang mga Kailangan Malaman ng mga Nabakunahan Na
Ang mga bakuna sa COVID ay tutulong na protektahan ka mula sa matinding karamdaman, pagpapa-ospital, at pagkamatay dahil sa COVID-19.
Mahalagang manatiling up to date sa iyong mga bakuna para mapanatili ang iyong proteksyon.
Gaano katagal bago magkaroon ng bisa ang mga bakuna?
Ang iyong bakuna ay mabisa dalawang linggo pagkatapos mong makuha ang lahat ng iyong inirerekomendang paunang dosis.
Kailan ako binibigyan ng pinakamalakas na proteksyon ng bakuna sa COVID?
Pinakamalakas ang iyong proteksyon kapag up to date ka sa iyong mga bakuna sa COVID. Nangangahulugan nito na nakuha mo ang lahat ng inirerekomendang dosis, kabilang ang mga dosis ng booster na kailangan mo kapag panahon na.
Kailangan bang magsuot ng maskara ang mga nabakunahan na sa loob ng mga gusali?
Para i-maximize ang proteksyon mula sa pinaka nakakahawang mga variant at iwasan ang posibleng pagkalat ng COVID sa iba, magsuot ng maskarang tinatakpan ng husto ang iyong ilong at bibig sa loob ng mga pampublikong lugar kapag mataas ang panganib ng COVID sa iyong komunidad.
Dapat pa ring sundin ng mga nabakunahan at hindi nabakunahang tao ang mga batas, patakaran, at regulasyon ng estado lokal, pantribo, at teritoryo, kabilang ang mga para sa publikong transportasyon, paliparan/eruplano, lokal na negosyo, at mga lugar ng trabaho. Inirerekomenda ng CDC na lahat ng 2 taong gulang at mas matanda ay magsuot ng maskara sa pampublikong transportasyon at habang nasa mga paliparan at istasyon.
Ano ang dapat gawin ng mga taong hindi nabakunahan para protektahan ang kanilang sarili at iba mula sa COVID?
Para sa pinakamahusay na posibleng proteksyon mula sa COVID, magpabakuna at manatiling up to date sa iyong mga bakuna.
Habang hindi ka pa nabakunahan, magpatuloy magsuot ng maskarang tinatakpan ng husto ang iyong ilong at bibig kung ikaw ay nasa loob ng mga pampublikong lugar kapag mataas ang panganib ng COVID sa iyong komunidad..
Kung ikaw ay nasa mas mataas na panganib na magkasakit nang husto mula sa COVID, maaari mo ring protektahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng:
- Pagpapanatiling hindi bababa sa 6 na talampakan mula sa taong hindi nakatira sa parehong sambahayan.
- Pag-iwas sa mga lugar na matao at hindi maganda ang bentilasyon.
- Paghuhugas ng kamay na gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo o paggamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alcohol kung walang sabon at tubig.
Ang mga opisyal ng pampublikong kalusugan ay patuloy na nagbibigay ng update sa mga rekomendasyon para sa mga taong nabakunahan at hindi nabakunahan. Para sa pinakabagong patnubay, bisitahin ang cdc.gov/coronavirus.
Huling sinuri ang nilalaman: 6/30/2022